Close

Mag-asawang Solenn at Nico, inaming siyam na buwan nang walang sex life

Sponsor ads


Inamin ni Solenn Heussaff na siyam na buwan na silang walang pagtatalik ng kanyang asawang si Nico Bolzico, mula nang ipinanganak ang panganay noong January 1.

Sa kanilang latest vlog, inisa-isa nila ang mga pinagdaanang hirap at sakripisyo bilang first-time parents.

Ikinuwento rin ng aktres na takot siyang makipagtalik sa kanyang asawa kahit siyam na buwan na ang lumipas matapos siyang manganak sa pamamagitan ng C-section.

Dagdag pa nito, hindi pa umano siya handa para dito.

Sagot naman ni Nico, walang problema sa kanya at nirerespeto niya ang desisyon ng asawa, at handa rin umano siyang maghintay kung kailan muling magiging handa si Solenn.

Giit ng model-vlogger, hindi naman siya ang nakaranas ng pagbubuntis, kaya kung anu ang desisyon ng kanyang asawa ay susuportahan niya ito.

Sinabi pa ni Nico na hindi naman umano siya nagmamadali kaugnay sa naturang usapin, at eni-enjoy lang ang kanilang bagong buhay na may anak.