Close

Madre, pinanindigan ang pagluha ng dugo ng imahe ng Santo

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Pinanindigan ng ilang saksi na totoo ang dugong nakita sa lumuhang imahe ni St. Bernadette sa orphanage lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Gensan kay Sister Juliet ng orphanage sinabi nito na unang napansin ang pagluha ng dugo ng nasabing imahe ang batang napadaan lamang sa pinaglagyan nito.

Aniya, sa kaniyang pagkakita sa imahe ay talagang dugo ang lumabas dito dahil sa amoy dugo ng na lumabas sa mata ng imahe.

Agad aniya nilang ipinagdasal ang nasabing imahe na nilagyan din ng payong na dahilan ng pagtigil naman ng pagluha nito.

Sa hiwalay naman na panayam ng Brigada News FM Gensan kay Fr. Raul Valle, Lagao Parish Priest sinabi nito na huwag agad paniwalaan ang nasabing kwento dahil tanging ang mga eksperto lamang ang makakapagpaliwanag sa nasabing impormasyon.

Ayon kay Fr. Valle, mas mabuting ipagdasal din ang imahe ng nasabing santo lalo na ang koneksiyon nito sa araw-araw na pamumuhay.

Nabatid na batay sa impormasyon unang lumuha ng dugo ang nasabing imahe noong nakaraang Huwebes at nitong Linggo lamang Pebrero 11, 2018. Bong Cagape