Close

MWSS exec: Bypass valve, kailan man hindi isinara

Sponsor ads


Itinanggi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang akusasyon na ang bypass valve na nagreregulate sa pagpapakawala ng tubig sa Maynilad at Manila Water ay isinara.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, bukas ang naturang bypass, dahil kung ito umano ay sarado ay wala talagang mailalabas na tubig ang Manila Water.

Ginawa ni Ty ang pagpapasinungaling matapos sabihin ng netizen na umano'y isang dating empleyado ng MWSS na ang pagbubukas sa bypass ay magiging tugon sa kasalukuyang water shortage sa Metro Manila at kalapit na probinsya.

Buwelta ni Ty sa naturang netizen, maaring, misinformed lang umano ito dahil hindi siya nag-utos ng anumang closure.

Paliwanag naman ni Ty, ang bypass valve ay naghahati sa 4,000 million Millions of Liters Per Day (mld) mula sa reservoir sa pagitan ng Manila Water na nakakakuha ng 1,600 mld at Maynilad Water Services Inc. na nakakakuha naman ng 2,400 mld.