Close

MRT magdadagdag ng augmentation buses

Sponsor ads


Magdedeploy ng karagdagang bus ang Metro Rail Transit-3 para sa mga pasaherong apektado ng kanilang maintenance shutdown ngayong Holy Week.

Mula sa 170 bus na ipinasada ng MRT ay pinaplano ng pamunuan na itaas ito sa 300.

Ito ay alinsunod sa naging pag-uusap ng Department of Transportation, Land Transportation, Franchising ang Regulatory Board, at bus operators.

Bunsod ito ng nasaksihang mahabang pila at pahirapang pagsakay ng mga pasahero.

Ang singil para sa augmentation bus ay kahalintulad lamang ng pamasahe sa MRT.

Babalik sa normal ang operasyon ng MRT sa Lunes, April 22.