Close

MMDA handang mag-escort sa mga ambulansya

Sponsor ads


Maaaring hingin ng tulong ng mga ambulansya ang tulong ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kung may isusugod itong pasyente sa ospital.

Ito ang naging pahayag ng ahensya matapos may mamatay na pasyente sa kalagitnaan ng trapik.

Mababatid na hindi nakadaan ang sinasakyan nitong ambulansya nang maipit sa mabigat na daloy ng mga sasakyan.

Ayon sa MMDA, handa silang mag-escort sa mga ambulansya at anumang oras ay maaaring hingin ang tulong ng kanilang traffic enforcers para bigyang prayoridad ang pagdaan ng mga ambulansya.

Kasunod rin ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa MMDA at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na mag-escort sa mga ambulansya.