Close

MMC, tututulan na babaan pa ang distancing rules sa PUVs

Sponsor ads


Pare-pareho ang magiging stand ng mga alkalde sa Metro Manila sakaling ituloy ng national government ang planong bawasan pa ang physical distancing sa mga public transport.

Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, hindi nakonsulta ang mga alkalde, bago ipatupad ng Department of Transportation ang naturang polisiya, at iginiit na kailangang timbangin muna ng mga local officials ang naturang hakabang dahil ang rehiyon ang mayroong pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Tingin ng Metro Manila Council, hindi pwedeng isakripisyo ang health protocols, at kailangan ang physical distancing, kaya naman silang 17 mga alkalde ay tututol kung babawasan pa ito ng hanggang 0.5 at 0.3 meter.

Mababatid na mula sa isang metrong distansya na inirekomenda ng World Health Organization, binawasan ng DOTr ang distansya sa pagitan ng mga commuters sa loob ng mass transit sa 75 centimeters para ma-accommodate ang mas marami pang pasahero.

Dahil dito, iminungkahi ni Olivarez na dapat dagdagan at payagan ng gobyerno ang mas marami pang public utility vehicles na papasada upang maraming pasahero ang maaccomodate.