Close

MMA Fighter Nguyen, tiwala kay Folayang

Sponsor ads


Nagpaabot ng suporta ang ONE Featherweight at Lightweight Champion na si Martin Nguyen kay Mixed Martial Artist Fighter Eduard Folayang para sa darating nitong laban kay Russian Kharun Atlangeriev sa May 18.

Matatandaang nagkasagupa ang dalawa sa ONE: Legends of the World match anim na buwan na ang nakakaraan sa Mall of Asia Arena kung saan naiuwi ni Vietnamese Australia-raised Nguyen ang noo’y ONE Lightweight Champion belt ni Baguio Native Folayang.

Aniya, panatag siyang magiging maganda ang comeback ni “Landslide” ng Team Lakay dahil nakita at nakasama niya na itong magtraining noon sa Bali, Indonesia.

Samantala, may upcoming fight rin si “Situ-Asian” sa nabanggit na petsa laban kay Christian “The Warrior” Lee para sa ONE Featherweight Championship. // AJ NGUHO