Close

Lumads sa SoCot, umalma sa alok ni Duterte na sila ang papatay sa NPA

Sponsor ads


KORONADAL CITY - Umalma ang isang grupo ng lumads dito sa lalawigan ng South Cotabato sa alok ni Presidente Rodrigo Duterte na sanayin sila bilang kawal ng pamahalaan upang tumugis sa mga miyembro ng New People's Army (NPA).

Nabatid na sa alok ng pangulo, sinabi nitong sanayin niya ng tatlong buwan ang mga lumads bilang Civilian Armed Forces Geografical Unit (CAFGU) at bigyan sila ng P20,000 sa bawat miyembro ng NPA na kanilang mapatay.

Pero ayon kay Kahugpungan sa mga Lumad sa Halayong Habagatang Mindanao (Kaluhamin) Deputy Secretary Samuel Dalimbang, hindi sila sang-ayon sa alok ng pangulo dahil hindi raw ang pagpatay sa NPA ang solusyon sa problema nilang makamit muli ang kanilang ancestral land.

Panawagan ng grupo sa pangulo, sanay tuparin nito ang kanyang pangako na bigyan ng proteksyon ang mga IPs laban sa pananamantala ng mga mayayaman na umaagaw ng kanilang ancestral land. (Jun Desca)