Close

Lumad, patay sa pamamaril umano ng NPA sa Bukidnon

CAGAYAN DE ORO CITY - Patay ang isang Lumad matapos pagbabarilin ng pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Mandahican, Cabanglasan, Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Jason Lahindao, 29-anyos at residente ng Purok-1, Cananga-an sa nasabing bayan.

Ayon kay Police Senior Inspector Romar Jones Cahucom, hepe ng Cabanglasan Municipal Police Station, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo at dalawa sa katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober mula sa crime scene ang dalawang fired cartridge ng M16 rifle na ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo sa krimen. BNFM CDO