Close

Ludington hospital, nasungkit ang Guinness record sa sand angel making

Tinipon ng Spectrum Health Ludington Hospital ang mahigit 1,300 tao sa Lake Michigan beach para isagawa ang sand angel making.

Nasa 1,414 ang nakilahok sa event noong Sabado para ma-break ang record na 352 taong nag-sand angel making ng Pemborokeshire, England noong 2015.

Makikita sa social media ang video ng mga participants na nakahiga sa buhangin at ginagalawa ang kanilang paa at kamay para mabuo ang sand angels sa loob ng 30 segundo.

Ayon sa Guiness adjucators, 27 sa mga sand angels ang diskwalipikado sa naturang event ngunit nai-set pa rin ang bagong record na 1, 387.

Ginawaran ng Guinness world record judge na si Casey DeSantis ng plaque.

Ilalaan naman ng Spectrum Health Ludington ang donasyon sa event sa programang "Be Someone's Angel Fund" para sa mga bayarin ng mga pasyente.

(Photo Screen capture form: Youtube)