Close

Low-dose aspirin maaring mapababa ang tyansa ng Ovarian cancer -study

Sponsor ads


Lumabas sa bagong pag-aaral na ang regular na pag-inom ng aspirin ay maaring makapag-pababa sa tiyansa ng pagkakaroon ng ovarian cancer.

Pinag-aralan ng mga researchers ang data mula sa 205,000 Amerikana at lumabas sa kanilang pag-aaral na ang mga gumagamit ng aspirin na umaabot sa 100 milligrams o mas mababa pa ay mayroong 23 porsyentong mas mababa ang pagkakaroon ng ovarian cancer kaysa sa mga hindi regular na umiinom ng aspirin.

Matapos pag-aralan ang mga datos na nakuha sa 205,000 Amerikana, lumabas na ang mga babaeng regular na umiinom ng 100 mg o mas mababa pang aspirin ay mayroong 23 porsyentong mas mababa ang tiyansa ng pagkakaroon ng ovarian cancer kaysa sa mga hindi regular na umiinom nito.

Sa kabila nito hindi napatunayan ng pag-aaral na talagang napapababa ng aspirin ang tiyansa ng pagkakaroon ng cancer maari lang itong magkaroon ng maliit na epekto upang makaiwas sa sakit at ang pag inom ng 325 mg na aspirin ay walang kaugnayan sa pagpapababa ng tiyansa ng pagkakaroon ng ovarian cancer.

Sa katunayan nga ang pag-inom ng 10 o higit pang tableta ng non-aspirin Nonsteroidal Anti-inflammatory Drugs tulad ng ibuprofen at naproxen ay nakakapagpataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng ovarian cancer, ayon sa mga mananaliksik.

Ayon naman kay Shelley Tworoger ang associate center director of population science sa Moffitt Cancer Center Tampa, Florida, kinakailangan pa ng mas maraming pag-aaral upang malaman kung anong uri ng babae ang mas magbebenifit sa pag-inom ng low-dose aspirin upang mapababa ang tiyansa ng pagkakaroon ng ovarian cancer.