Close

Louie Alas, pinagbitiw ng Phoenix bilang coach

Sponsor ads


Ibinunyag ni dating Phoenix head coach Louie Alas na hiniling umano ng kanyang team sa kanya na

magbitiw na sa pwesto, ilang linggo bago siya sinibak ng Fuel Masters.

Ayon kay Alas, nagpadala umano sa kanya ng resignation letter ang Phoenix team manager na si Paolo Bugia, kung saan kinakailangan ang kanyang lagda.

Tugon umano niya dito, hindi niya magagawang lagdaan ang naturang dokumento na naglalaman para sa kanyang pagre-resign dahil hindi naman umano siya nagbitiw.

Mababatid na inanunsyo ng Phoenix na hindi na nila itinuloy ang serbisyo ni Alas bilang head coach noong September 11, matapos ang tatlong taon.

Pero sinabi ni Alas na hindi niya gustong magresign, dahil hindi umano niya gustong bigyan ng impresyon na binitiwan niya ang kanyang team.

Sa isang pahayag, sinabi ng Phoenix na nabuo nila ang desisyon na humiwalay na kay Alas matapos ang ilang deleiberasyon, pero saad ng naturang coach, hindi na kailangan ng management na bumuo pa ng mga dahilan para siya ay sibakin.