Close

Lolo, nasawi sa cardiac arrest habang bumoboto sa Pasil, Cebu

Sponsor ads


Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang lolo na nag-collapse sa gitna ng kanyang pagboto sa Pasil Elementary School sa Cebu City.

Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office operations chief Wesley Yñigo, nasawi sa cardiac arrest ang senior citizen na kinilala sa pangalan na alyas "Dodo"

Sinabi ng ilang testitgo na si Dodo na residente ng Barangay Suba ay nagtungo kasama ang kanyang apo sa Pasil Elementary School noong umaga ng May 13 upang bumoto.

Naghintay pa ang biktima ng 20-30 minuto bago siya tuluyang nakaboto sa clustered precinct 709.

Nang isalang ng apo ang balota ng lolo sa Vote Counting Machine ay doon na nag-collapse si Dodo.

Sinubukan pa siyang i-resuscitate ng mga tauhan ng Cebu City Ambulance Services - EMS ngunit nabigo lamang sila dahil sa pagiging unresponsive nito.