Close

Locsin, binawi ang pag-ban sa foreign marine survey ships

Sponsor ads


Kumambyo si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. mula sa sinabi nito na banned na ang mga marine survey ships ng mga dayuhan sa mga katubigan na sakop ng Pilipinas.

Kung maalala ay sinabi ng kalihim na nais niyang i- "universalize" ang restriksyon sa marine survey ships, matapos ang ilang ulit na pagpasok ng Chinese survey ships ng walang paalam sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Sinabi ni Locsin na meron reliable source ang nag-inform sa kanya na sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea ay hindi pwedeng i-ban ng Pilipinas ang marine surveys.

Gayunman, ipinunto ng kalihim na dapat ay magpaalam muna sa atin ang ibang bansa bago ang pagsasagawa ng marine surveys.

Iginiit rin niya na hindi magpapakita ang Pilipinas ng bias laban sa kahit anong bansa at ang permiso ng gobyerno ay maaring ipagkaloob sa mga dayuhan base sa kanilang kaseryosohan at kapasidad.