Close

Lockdown sa Malaysia, papahabain pa

Sponsor ads


Tatagal na hanggang Abril 14 ang ipinatutupad na lockdown sa Malaysia dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon kay Malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin palalawigin nito ang lockdown na nakatakdang sanang matapos sa Marso 31.

Ipinaliwanag ng punong ministro na mahalaga ang extension para tuluyan nang masugpo ang pagkalat ng coronavirus.

Batay sa tala, pumalo na sa 1,624 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malaysia.

“You know that this is good for you, your family and the people around you. Your awareness and sincerity in abiding by the rules imposed by the government during this Movement Control Order period is highly commendable,” pahayag ni Muhyiddin sa isang public address kamakailan.

Ang Malaysia ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong Southeast Asia.