Close

Loan agreement para sa Kaliwa Dam, 30% better - DOF

Sponsor ads


Inihambing ng Department of Finance sa water project ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2010 ang loan agreement ng Duterte administration para sa New Centennial Water Source-Kaliwa Dam project.

Ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez, misleading ang puna ng mga kritiko na pinatawan ng malaking interest rates ang inutang ng gobyerno para sa China-funded dam project.

Sa katunayan, di hamak na mas maganda aniya nang 30 percent ang terms ng loan agreement ng pamahalaan kumpara sa pinasok na kasunduan ng Arroyo administration na buong puso namang tinanggap ng administrasyong Aquino.

Paliwanag pa ni Dominguez, mas mababa ang interest rate ng 211.2 million-dollar Kaliwa Dam project na itinakda sa 2 percent per annum kaysa 3 percent mula sa 116.6 million dollars na hiniram ni Arroyo.

Siniguro umano ng gobyerno na hindi ito magbabayad ng pre-payment penalty fee para sa dam taliwas sa ginawa ng administrasyong Arroyo sa Angat aqueduct project na may layuning mapabuti ang water supply sa Metro Manila.