Close

Lizquen, ikinalungkot ang pagpanaw ng dating co-star na si Bangkay

Sponsor ads


Nagluluksa ngayon sina Liza Soberano at Enrique Gil matapos ang pagpanaw ni Nonong de Andres o mas kilala bilang Bangkay sa showbiz industry.

Nakasama kasi ng Lizquen si Bangkay sa dating primetime series sa Kapamilya Network na "Forevermore".

Dito sumikat ang veteron actor bilang Bangky.

Sa isang instagram post, inihayag ni Liza ang labis na kalangkutan sa pagpanaw ng co-star.

Sana umano ay nahagkan nya ang co-actor sa huling pagkakataon.

Nanghihinayang naman si Enrique na nawalan na naman ng isang bituin ang showbiz industry.

Sa kanyang instagram post, sinabi ni Quen na “Paalam Tito Bangks, we lost good one today. Goodbye kiss from Xander.”

Mababatid na natagpuang wala nang buhay si Bangkay kahapon ng umaga sa cottage ng isang beach resort sa Plaridel, Quezon.