Close

Liza at Enrique, inamin nang 2 years nang magkasintahan

Sponsor ads


Sa tinagal-tagal nang isyu kung totohanan na nga ba ang kanilang relasyon, sa wakas ay kinumpirma na nina Enrique Gil at Liza Soberano na sila na nga ay magkasintahan.

Sa isang late night show sa Kapamilya network, nag-guest ang "Alone Together" stars at natanong tungkol sa kanilang relasyon.

Tinanong ng host na si Vice Ganda kung si Enrique na nga ba at si Liza.

Na sinagot naman ni Enrique ng "YES".

Pagkatapos nito ay inamin na ni Liza na dalawang taon na silang magkarelasyon ni Quen.

Sinabi pa ni Liza na nagce-celebrate sila ng anniversary ng October.