Close

Lito Lapid nagpasalamat sa mga taga-suporta at kritiko

Sponsor ads


Nagpasalamat si senatorial candidate Lito Lapid sa lahat ng sumuporta sa kanya pati na sa mga bumabatikos matapos ang pagkakapasok niya sa Magic 12 ng senatorial race.

Ayon kay Lapid, ikinapapasalamat na lamang niya na napansin siya ng publiko masama man ito o mabuti.

Kaugnay nito ay nakiusap siya sa publiko na huwag sanang maliitin agad ang kakayahan niyang maging pulitiko.

Tahimik na nagbabakasyon ngayon si Lapid kasama ang asawa at hindi niya inaasahan ang magiging resulta ng eleksyon kung saan nanatili siya sa ika-7 pwesto sa canvassing.

Matatandaan na nagsilbi si Lapid bilang senador noong 2004 at 2016.

Sakaling maupo muli sa pwesto, isusulong niya ang free medical para sa lahat.