Close

Libu-libong residente sa Taiwan, lumikas dahil sa bagyong Maria

Sponsor ads


Libu-libong mga residente sa Taipei, Taiwan ang lumikas sa bulubunduking lugar bunsod ng Bagyong Maria na may dalang malakas na hangin at torrential rains.

Huling natagpuan ang bagyong Maria 200 kilometers east-northeast ng northeastern coastal town ng Yilan.

Ito ay may bugsong 173 kilometro kada oras.

Inaasahang mas mararamdaman ang lakas nito ngayong araw.

Nagpaalala naman ang otoridad na mag-ingat sa posibleng pagbaha at mudslides.

Pinayuhan rin ni Premier Willliam Lai ang publiko na manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay at makipagtulungan sa disaster prevention plans ng pamahalaan.