Close

Libu-libong residente, nagsilikas dahil sa wildfire sa New Zealand

Sponsor ads


Libu-libong tao ang inilikas habang inaapula ng mga bumbero ang nagaganap na wildfire sa isang bayan sa New Zealand.

Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy anim na araw na ang nakalipas malapit sa siyudad ng Nelson, at ngayo’y naaapektuhan na ang bayan ng Wakefield.

Dahil dito, nagdeklara na ng state of emergency sa nasabing lugar at tinatayang aabot sa 3,000 katao ang lumikas sa kanilang mga tahanan sa district of Tasman.

Kapag nagpatuloy ang wildfire, nanganganib ang kaligtasan ng nasa 70,000 mga residente.

Idineploy na ang 23 helicopters at dalawang aircrafts para apulahin ang apoy.

Ito na umano ang pinakamalalang forest fire na naganap sa New Zealand sa loob ng 50 taon.