Close

Libu-libong ralyista, nagprotesta sa Madrid dahil sa Catalonia talks

Sponsor ads


Libu-libong katao mula sa right-wing parties ang nagprotesta sa Madrid para tutulan ang plano ng Spanish government na bawasan ang tensyon sa Catalonia region.

Ito ay matapos na alukin ni PM Pedro Sánchez ng talks ang separatists.

Giit ng centre-right Popular Party (PP) at Ciudadanos (Citizens), ang plano ni Sánchez na magsagawa ng talks ay katumbas ng treason.

Gayunman, ibinasura ng separatists ang alok na talks ni Sánchez at humiling ng bagong independence vote.

Nabatid na kasama sa protesta ang far-right groups gaya ng Vox party.

Napuno ng mga ralyista ang Colon Square at mga kalapit na kalye nito sigaw ang "long live Spain".

Tinatayang nasa 45,000 katao ang nakiisa sa demonstrasyon.