Close

Libreng bike para sa Olympic athletes, iminungkahi ng POC

Sponsor ads


Plano ng Philippine Olympic Committee na mabigyan ng bisikleta ang bawat miyembro ng national team na nasa ilalim ng Olympic program, bilang bahagi ng new normal sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Naniniwala si POC president Abraham "Bambol" Tolentino na mapapakinabangan ng mga atleta na walang sariling mode of transportation ang mga bisikleta.

Iginiit ni Tolentino na bukod sa pagiging healthy na paraan para makapunta sa isang destinasyon ang pagbibisikleta, ay isinusulong rin nito ang social distancing at pag-iwas sa traffic.

Sinabi ni Tolentino, na namumuno sa PhilCycling, na hihilingin nito ang approval ng POC board para sa 100 bike units na plano niyang bilhin.

Gayunman, ay sinabi ni Tolentino na magiging first-come first served basis ang pagtanggap sa applications ng mga eligible na atleta para sa bisikleta.