Close

Libo-libong COVID-19 vaccines mula UAE, dumating sa Gaza Strip

Sponsor ads


Dumating sa Gaza ang tinatayang nasa 20,000 COVID-19 vaccine doses mula sa UAE tatlong buwan bago ang nakatakdang Palestinian elections.

Napaulat na ang nasabing delivery ng Russian-made Sputnik V vaccine ay inasikaso ng karibal sa pulitika ni Palestinian president Mahmud Abbas.

Sinabi naman sa ulat ng AFP na nakapasok sa Gaza ang mga bakuna sa pamamagitan ng Rafah Border Crossing na naghihiwalay sa Egypt at Gaza Strip.

Ibig sabihin ay hindi ito ipinadaan sa Israel na nagpatupad ng mahigpit na blockade sa Gaza mula pa noong 2007.

Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ni Mohammed Dahlan, dating top member ng Fatah party ng Abba, na ngayon ay naka-exile sa United Arab Emirates, ang delivery ng mga bakuna bilang "generous grant" mula sa Abu Dhabi.

Samantala, naniniwala naman ang ilang Palestinians na pamumulitika ang pag-ako ni Dahlan, security adviser ng UAE strongman na si Sheikh Mohamed bin Zayed Al-Nahyan, sa credit para sa delivery ng bakuna lalo na at malapit na ang May at July legislative at presidential elections.