Close

Liberalization ng rice imports, makatutulong vs inflation - solon

Sponsor ads


Naniniwala si dating presidential economic adviser at ngayo'y Albay Representative Joey Salceda na magandang panimula ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-liberalize o luwagan na ang pagpasok ng imported na bigas sa bansa.

Ayon kay Salceda, makatutulong ito para mapahupa ang tumataas na presyo ng mga bilihin at maibaba sa 6.1 percent ang inflation rate ngayong buwan.

Inaasahan rin aniyang matutuldukan nito ang hindi pagkakaunawaan ng NFA Council na siyang policy-setting body at ang National Food Authority na
nangangasiwa sa procurement.

Mababatid na nitong Agosto ay pumalo sa 7.1 percent ang inflation rate para sa bigas habang 6.4 percent naman ang headline rate na lumampas sa government at market forecasts.

Kahapon ay inanunsyo ng Malacañang na magsusumite ng draft executive order ang economic managers na naglalayong pabilisin ang proseso ng pag-aangkat ng bigas, karne, asukal at gulay sa pamamagitan ng pagtanggal sa administrative constraints at non-tariff barriers.