Close

Liam Hemsworth, wish ang health and happiness para sa ex na si Miley Cyrus

Sponsor ads


Binasag na ni Liam Hemsworth ang kanyang katahimikan kaugnay sa kanilang paghihiwalay ni Miley Cyrus.

Sa Instagram ay kinumpirma ng Australian actor ang paghihiwalay at sinabi na wala na siyang ibang wish kungdi ang magandang kalusugan at masayang buhay para sa dating asawa.

Nilinaw naman ni Liam na ang kanyang pakikipaghiwalay kay Miley ay isang pribadong bagay.

Anya, hindi siya magbibigay ng kahit anong komento sa kahit sinong journalist o media outlets tungkol sa hiwalayan, at ang kahit anong quotation na sinasabing galing sa kanya ay hindi totoo.

Matatandaan na unang lumabas sa ulat ng isang entertainment magazine ang hiwalayan nila Miley at Liam matapos ang 7 taon nilang pagiging kasal.