Close

Legapzi Airport, napinsala ng Bagyong Tisoy

Sponsor ads


Napinsala ng malakas na hangin na dala ng Bagyong Tisoy ang Legapzi Airport.

Kinumpirma ito ni Albay Governor Al Francis Bichara.

Kwento ni Bichara, bumigay na ang kisame ng paliparan at natanggal na rin ang mga bintana.

Tiniyak naman ni Bichara na agad nilang iinspeksyunin ang pasilidad oras na bumuti ang panahon.

Sa ngayon kasi ay sarado pa ang mga kalye at malakas pa ang hangin kaya minabuti muna nilang manatili sa kanilang tirahan para na rin sa kanilang kaligtasan.

Apektado ang probinsya ng eyewall ng Bagyong Tisoy na ayon sa PAGASA ay pinaka-mapaminsalang bahagi ng bagyo.