Close

Legal migrants na umaasa sa food aid, target ni Trump

Sponsor ads


Mas mahihirapan ngayon ang mga legal migrants sa Estados Unidos na i-extend ang kanilang visa o makuha ang kanilang permanent resident status o green card.

Ito ay dahil tinatarget ng bagong polisiya ni US President Donald Trump na "public charge rule" ang mga migrants na umaasa lamang sa public benefits gaya ng food aid o public housing ng mahigit isang taon.

Ayon sa ulat, ire-reject ang applications ng mga migrants kung sa tingin ng pamahalaan ay malaki ang tsansang umasa na naman ang mga ito sa public assistance sa hinaharap.

Depensa ng mga opisyal, ang bagong patakaran ay makakatulong sa pagtatatag ng self sufficiency sa US.

Ang bagong polisiya ay magiging epektibo sa October 15.

Hindi nito maaapektuhan ang mga immigrants na permanent residents na sa US at mga refugees pati na ang mga asylum applicants.

Pero ang mga applicants for visa extensions, green cards, o US citizenship ay matatamaan ng pagbabago sa patakaran.