Close

Leftist party-list, pinaba-ban ni Bato sa Comelec

Sponsor ads


Isinusulong ni Senador Bato dela Rosa ang tuluyang pagba-ban sa registration ng mga party-list na nauugnay sa mga makakaliwang grupo.

Nanawagan ang Senador sa Commission on Elections na maitulak ang isang petisyon na nagpapa-kansela sa mga left-leaning party-list groups gaya ng Anakpawis, Kabataan, Gabriela, Bayan Muna at Alliance of Concerned Teachers.

Sa pagdinig ng Senado hinggil sa pag-amyenda sa party-list law, sinabi nito na ginagamit ng mga nabatid na party-list groups ang demokrasya para sirain ang demokrasya.

Dapat na raw itong mahinto dahil ginagamit lang 'di umano nila ang pagpasok sa Gobyerno para ito ay sirain.

Sinabi naman ng Comelec na hindi pa nila napagde-desisyunan ang petisyon ngunit kapag napatunayang may sustansya ito ay agad nila itong tutugunan.
#