Close

Lea Salonga nanatiling humble

Sponsor ads


Nanatiling humble ang broadway singer na si Lea Salonga kaugnay sa usap-usapang maaaring isa siya sa hiranging National Artist ng Pilipinas.

Mababatid na kilala si Lea hindi lang sa Pilipinas kundi pati na sa buong mundo dahil sa taglay nitong galing sa pag-awit at pag-arte.

"Kung mangyari, good, kung hindi mangyari, also good", pahayag ng singer.

Ayon kay Lea, ayaw niyang isipin ito sa ngayon dahil hindi naman ito ang kanyang motivation para patuloy na gawin kung ano man ang kanyang nasimulan.

Samantala, binati naman ni Lea ang mga naluklok sa hanay ng National Artists.

Pahayag niya, masaya siyang mayroo pa ring kinikilalang mga artist dahil sa lawak ng kanilang kontribusyon sa kultura ng Pilipinas.