Close

Lea Salonga, muling pinuna ang Deped, dahil sa kanilang learning module

Sponsor ads


Muling pinuna ng singer na si Lea Salonga ang Department of Education, dahil sa kanilang module.

Sa kanyang Facebook page, nadismaya si Lea sa derogatory remark ng learning module kaugnay sa tattoos.

Sa naturang module, may tanong kung anu ang sumisimbolo sa tattoo.

Kabilang naman sa mga choices ay:

A. Pagka-kriminal
B. Pagkaalipin
C. Kagitingan at Kagandahan
D. Pagiging mababa ng katayuan sa lipunan y."


Pagbabahagi pa ng singer, sa answer key ng DepEd sinasabing ang tamang sagot ay letter A.

Mababatid na hindi ito ang unang pagkakataon na tinawag ng singer ang atensyon ng DepEd dahil sa kanilang learning modules, kung saan noong Oktobre nang punain rin nito ang learning module, matapos tawagin ang owl bilang "ostrich."