Close

LeBron James, opisyal ng Lakers

Sponsor ads


Opisyal nang maglalaro para sa Los Angeles Lakers si LeBron James matapos pormal nitong lagdaan ang $154 million contract para sa susunod na apat na taon sa koponan.

Sinabi ni Laker President of Basketball Operations Magiv Johnson na maituturing na "great day" sa Lakers organization at fans ang pag-welcome nila kay James sa koponan.

Ayon kay Johnson, special si James at maituturing itong best player sa buong mundo dahil sa pagmamahal nito sa kompetisyon at mahusay na leader ng koponan.

Ito ang kauna-unang pagkakataon na maglalaro si James sa Western Conference kung saan makakalaban ng kanyang koponan ang champion na Golden State Warriors at Houston Rockets. Leo Malicdem