Close

LeBron James, hindi pa rin makakapaglaro dahil sa groin injury

Sponsor ads


Hindi pa rin maaaring makapaglaro si LeBron James ng isa pang linggo dahil sa kanyang groin injury.

Nangangahulugan ito na tatlong games pa ng Los Angeles Lakers ang hindi niya masasalihan.

Ito ang mga laro laban sa koponan ng Lakers sa Utah, Cleveland na gaganapin sa linggo at laban sa Chicago na gaganapin naman sa martes.

Kamakailan lamang ay sumailalim pa si LeBron sa re-evaluation kaugnay sa kanyang injury.

Mababatid na noon pang Pasko nagka-injury si James matapos ang laro laban sa Golden State Warriors.