Close

Law enforcement cluster, pupulungin re: rogue cops

Sponsor ads


Pupulungin ni Vice President Leni Robredo sa susunod na linggo ang Law Enforcement Cluster ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs kaugnay sa mga tiwali o pasaway na pulis.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Attorney Barry Gutierrez, nais ni Robredo na palakasin ang enforcement laban sa droga at hindi laban sa tao.

Kung maisasailalim aniya sa rehabilitasyon ang mga gumagamit ng ilegal na droga at mabigyan ng magandang trabaho at maiahon sa kahirapan ay maaaring matigil na ang dati nilang gawi.

Nais rin umano ng pangalawang pangulo na mabago ang pag-iisip na wala nang ibang alternatibo kundi patayin ang mga drug suspect.

Nilinaw naman ni Gutierrez na hindi sasama sa anti-drug operations si Robredo kundi makikilahok lamang sa pagpaplano at pagkatapos ng isinasagawang operasyon.