Close

Launching ng ikalawang missile-capable frigate ng PH, isinagawa

Sponsor ads


Isinagawa ang launching ng panagalawang missile frigate ng Pilipinas sa karagatan sa kauna-unahang pagkakataon sa isang seremonya sa Ulsan, South Korea.

Ayon sa Philippine Navy, dumalo sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces chief of staff General Noel Clement at Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad sa launch ng BRP Antonio Luna (FF151) sa Hyundai Heavy Industries (HHI) Shipyard sa Bangeojinsunhwan-doro.

Pwede nang ma-deliver ang Luna sa September o October 2020.

Sinabi rin ng Navy na ang unang missile-capable frigate ng Pilipinas, ang BRP Jose Rizal, ay nai-launch na noong May, at kasalukuyan itong sumasailalim sa harbor trials.

Inaasahan na maipapadala na sa Pilipinas ang BRP Jose Rizal sa April o May 2020.

Mababatid na parehong may kakayahan ang dalawang barko na makipagsabayan sa apat na dimensyon ng modern warfare, kabilang na ang Anti-Air Warfare, Anti-Surface Warfare, Anti-Submarine Warfare, at Electronic Warfare.