Close

Lambanog na ikinamatay ng ilang katao, may methanol - FDA

Sponsor ads


Nadiskubre ng Food and Drugs Administration na may taglay na methanol,isang nakakalasong substance ang sample ng lambanog na ikinamatay ng ilang katao.

Pahayag ni FDA Director-General Nela Charade Puno, mataas ang nakita nilang percentage sa naturang inumin.

Kabilang na rito ang sample ng lambanog na mula sa Luisiana, Laguna, San Jose Antipolo City, at Magalang Pampanga.

Ang kemikal na nakita sa alak ay sangkap sa paggawa ng fuel ng mga sasakyan, at raw material rin sa paggawa ng acetic acid at formaldehyde.

Mababatid na aabot na sa 13 ang nasawi dahil sa pag-inom ng naturang lambanog.

Tig-apat rito ay mula sa Sta. Rosa at Quezon City habang ang lima naman ay sa Calamba.

Mahigpit namang ipinag-utos ng City Health Office ng Calamba na itigil muna ang pagbebenta ng lambanog.