Close

Lalaking sinubukang mag-escalator sa DC, patay matapos mahulog

Sponsor ads


Patay ang isang lalaking nakasakay sa wheelchair nang malaglag ito sa escalator nang patalikod sa Columbia Heights Metro Station sa District of Columbia, USA.

Ayon sa tagapagsalita ng Metro station, sinubukan ng hindi muna pinangalanang biktima na hintayin ang elevator pero base sa security camera, lumipat ang biktima sa escalator.

Sinubakan umano nitong humawak sa magkabilang handrails pero aksidente itong nahulog nang patalikod mula sa pababa sanang escalator.

Mabilis naman umanong nadulugan ng mga tauhan ng station at ng mga bystanders ang biktima pero dahil sa matinding injurie nito ay naideklara itong patay matapos ang ilang oras sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.