Close

Lalaking nahuli sa paninigarilyo nakuhanan ng shabu

Sponsor ads


LAKE SEBU, SOUTH COTABATO - Arestado ang isang lalaki matapos umano itong mahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar sa Purok Rosas, Barangay Poblacion nitong bayan matapos nakuhanan pa ng illegal na droga.

Kinilala ang nahuli na si Mark Anthony Berja, 32-anyos, fish cage operator at residente ng Barangay Colonggolo, Surallah, South Cotabato.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, huli sa akto si Berja na naninigarilyo sa pampublikong lugar at ng kinapkapan ito ng mga otoridad, narekober sa kanya ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng Lake Sebu Municipal Police Station. (Tiffany Jill Trinidad)