Close

Lalaki nakaligtas sa pamamaril sa SoCot

Sponsor ads


LAKE SEBU, SOUTH COTABATO - PATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa tangkang pagpatay sa isang lalaki sa Barangay Poblacion nitong bayan alas-4:00 ng hapon ng Disyembre 5.

Kinilala ang biktima na si Gary Bento Fentew, 27-anyos, may asawa, heavy equipment operator at residente ng Barangay Takunel, Lake Sebu.

Sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang motorsiklo nito ng may dalawang mga lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang nagpaputok ng baril sa kanya.

Nakailag si Fentew ng makitang binubunot ng suspek ang baril sa kanyang baywang.

Agad na tumakas ang mga ito matapos ang insidente.

Hindi naman nakilala ng biktima ang mga suspek dahil sa suot nilang bonnet. (Tiffany Jill Trinidad)