Close

Lalaki huli sa patong-patong na kaso

Sponsor ads


TACURONG CITY- HULI sa patong-patong na kaso ang isang lalaki sa Barangay Upper Katungal nitong lungsod alas-3:00 ng madaling araw ng Pebrero 13.

Kinilala ang nahuli na si Richard Jaro Palomillo, 38, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Napag-alaman na may limang search warrants si Palomillo at warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Narekober sa pamamahay ni Palomillo ang isang unit ng Caliber 30 M1 garand rifle, caliber .45 pistol, 12 guage shotgun at dalawang hand grenade.

Sa ngayon nasa kostudiya na ng Tacurong City Police Station ang nahuli. (Tiffany Jill Trinidad)