Close

Lalaki, patay sa alagang ibon sa Florida

Sponsor ads


Patay ang isang lalaki matapos itong atakehin ng sariling alagang dambuhalang ibon na kilala sa tawag na cassowary sa Florida USA.

Ayon sa report, nakatawag pa sa 911 ang biktimang si Marvin Hajos, 75 habang nangyari ang ikalawang tawag ng ibang tao para i-report ang emergency situation sangkot ang isang malaking ibon.

Napag-alamang bumagsak ang biktima sa kinaroroonan ng ibon na naging dahilan ng pag-atake nito sa kanya.

Inihayag ng Florida Fish and Wildlife Conservation Commission na ikinokonsidera nila ang mga cassowaries na class 2 wildlife o kahalintulad ng mga buwaya na nangangahulugan na mapanganib sa tao at kailangang nakalagay sa isang specific cage.