Close

Lalaki, nahulihan ng baril sa checkpoint

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN — Nahaharap sa kasong paglabag sa Comelec Gunban ang isang lalaki matapos na mahulihan ng baril sa checkpoint dito sa bayan ng Kalibo.

Nakumpiska sa suspek na nakiusap na huwag pangalanan ang 38 revolver na baril.

Napag-alaman na nakuha ang naturang baril sa U-box ng motorsiklo ng suspek sa Barangay Pook, Kalibo.

Samantala, kulong na ngayon ang suspek matapos ipasailalim sa inquest proceedings. BNFM Kalibo