Close

Lalaki, huli sa illegal possession of firearms

KORONADAL CITY - Arestado ang isang lalaki na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms, Hunyo 17 ng umaga sa Purok Malipayon, Barangay Simsiman, Norala, South Cotabato.

Kinilala ito na si Bernard Venus Roberto, 39, may-asawa, at residente ng nabanggit na lugar.

May warrant of arrest ito na inilabas ni Honorable Judge Lorenzo F. Balo, acting presiding judge ng RTC Branch 26, Surallah, South Cotabato.

Nasa P80,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ito ng Norala PNP. (Girlie Narciso-Solis)