Close

Lakers wagi vs Timberwolves 114-110

Sponsor ads


Nakuha ng Los Angeles Lakers ang ikalawang sunod na panalo matapos pataubin ang Minnesota Timberwolves sa score na 114-110.

Muling iginiya ni Lebron James ang Lakers matapos magtala ng almost triple-double performance kung saan kumamada ito ng 24 points, 10 rebounds at 9 assists.

Maliban kay James nag-ambag din ang mga batang players nito tulad nina Kyle Kuzma at Josh Hart na kapwa nagtala ng 21 points, habang 20 puntos naman ang naibigay ni Brandon Ingram.

Naging maganda naman ang debut game ni Tyson Chandler para sa LA na nag-ambag lamang ng 2-points subalit ito naman ang nakakuha ng crucial na rebounds sa huling yugto ng laro para selyuhan ang panalo ng koponan.

Samantala nabalewala naman ang 31-points performance ni Derrick Rose para sa Minnesota.