Close

Lakers, tinisod ang Warriors sa NBA preseason game

Sponsor ads


Hindi binigo nina Lebron James at point guard Lonzo Ball ang basketball fans nang ipamalas nila ang inaasahang tambalan sa court laban sa defending champion na Golden State Warriors.

Tinisod ng Lakers ang Warriors sa score na 123-113 sa kanilang preseason game.

Swak na swak ang alley-oop lob na isinalpak ni Ball para sa two-handed slam dunk ni James.

Nagpasok ng 7 points, 4 rebounds, 4 steals, at 2 assists si Ball, habang si Lebron naman ay kumamada ng 15 points, 10 rebounds at 5 assists sa loob ng 17 minuto.

Para naman sa talunang Golden State, umiskor ng 23 points si Stephen Curry na sinundan ng 20 markers ni Klay Thompson.

18 points, at 12 rebounds naman ang hinakot ni Kevin Durant bago na-foul out sa huling 5:07 minutes ng laro.