Close

Laguna, isinailalim na sa state of calamity

Tuluyan nang isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Laguna dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Maring.

Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, malawak ang naging pinsala ng naturang bagyo sa kanilang lalawigan batay na rin sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO).

Sa pinakahuling tala umano ng Laguna PDRRMO ay nasa 828 pamilya o katumabas ng 4,140 indibidwal ang kasalukuyan pa ring nanatili sa mga itinalagang evacuation centers matapos maapektuhan ang kanilang mga tahanan ng bagyo.

Samantala, hanggang ngayon naman ay pinaghahanap pa rin ang anim na katao matapos mawala sa kasagsagan ng hagupit ng bagyong Maring kahapon.