Close

Lacson at Romualdez, immune na sa COVID-19- Sotto

Sponsor ads


Immune na umano sina Senador Panfilo Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez mula sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senate President Tito Sotto III dahil ang dalawang senador aniya ang kabilang sa mga matatapang na nagpaturok ng bakuna kontra sa virus.

Di pa tukoy ni Sotto kung anong bakuna ang ipinaturok nina Lacson para sa immunization pero posible umanong pareho ito ng sa Pfizer.

Aniya, walang nararamdamang kahit anong side effect si Lacson.

Dagdag ng Senate President, bihira na mag-mask at face shield si senador Lacson pag nasa Senado.