Close

Lacson, nagpasalamat sa umento sa pension ng mga retired MUP

Sponsor ads


Nagpasalamat si Sen. Ping Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil tuloy na tuloy na ang umento sa pensiyon ng mga retiradong Military and Uniformed Personnel (MUP), matapos ito bigyan ng sapat na pondo ng Department of Budget and Management.

Inanunsyo ng DBM sa linggong ito na inilabas na ang pension requirements para sa retiradong MUP.

Kabilang sa mga makikinabang sa dagdag na benipisyo ay ang mga retiradong MUP ng Armed Forces of the Philippines - General Headquarters (AFP-GHQ), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa DBM, inilabas na nito ang P29.9 Bilyon para sa AFP-GHQ, P21.7 Bilyon para sa PNP, P1.9 bilyon sa BFP at tinatayang P731 milyon sa BJMP.

Sa deliberasyon ng pambansang badyet ngayong taon, isinulong ni Lacson ang dagdag pondo na umaabot sa P876.42 Milyon sa Pension and Gratuity Fund para sa P15,000 na dagdag sa pensiyon ng 4,869 na beterano.// GLENN PARUNGAO