Close

Laban kontra insurgency, paiigtingin - incoming AFP chief

Sponsor ads


Desidido si incoming Armed Forces of the Philippines chief of staff General Benjamin Madrigal Jr. na paigtingin ang laban sa insurgency.

Ayon kay Madrigal, nais niyang itulad sa national level ang nagawa niya para sa Eastern Mindanao Command pagdating sa paglaban sa insurgency at pagpapalaganap ng culture of professionalism.

Dagdag ni Madrigal, makikipag-ugnayan kaagad siya sa mga commanders at stakeholders para resolbahin ang problema ng insurgency sa bansa.

Kaugnay nito ay ipinunto ni Madrigal na nagsimula lamang ang pagbuhos ng mga sumusukong rebelde nang pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap sa mga komunista.

Mababatid na nakatakdang palitan ni Madrigal si outgoing AFP chief-of-staff General Carlito Galvez Jr. na magre-retiro sa December 12.