Close

La Salle, nagdomina kontra NU

Sponsor ads


Dinomina ng DLSU Green Archers ang NU Bulldogs sa score nang magtapos ang kanilang laro para sa UAAP men's basketball sa score na 84-77.

Nagkaroon ng pagkakataon na humabol ang NU sa huling tatlong minuto ng laban nang matawag ang foul ni Aljun Melecio kay Enzo Joson.

Pero dahil sa three points ni Joaqui Manuel sa huling 1:14 ng laro ay tuluyan na nitong binura ang pag-asa ng NU na makahabol sa score na 82-75.

Sinelyohan naman ni Justine Baltazar ang panalo ng DLSU sa loob ng huling minuto sa laro.

Pinangunahan ni Santi Santillan ang Archers sa kanyang 18 points at 5 rebounds.

Hindi naman naging sapat ang 20 at 19 points na inambag nina Dave Ildefonso at John Lloyd Clemente para isalba mula sa pagkatalo ang Bulldogs.

Samantala, nanatiling nasa ikatlong pwesto ang DLSU hawak ang 8 panalo at 4 na talo habang ang NU na wala nang pag-asang makapasok sa Final Four ay may 3 wins at 9 losses win loss card.